Testimonials

Enrile Erno

ENRILE "Chef Ernie" ERNO, 44 years old, MBR supervisor for food, beverage and housekeeping since 2012. Proud father of a medical technician graduate from Butuan Doctors College.

Ang mission ko talaga ay makapagtapos yung anak ko. Nagkataon na dito ako nagka trabaho -- mas malaki ang oportunidad kasi malaki itong kumpanya at magaling ang management sa mga empleyado.

Pasalamat Malaga ako ng buong buo sa kumpanya, kung may 101% baboon Malawi and pagpapasalamat ko, sobrang saya ko, sobrang tuwa ko hindi ko akalain yung anak ko makakatapos ng ganong kurso.

Mag nag tatrabaho ka sa isang kumpanya, iisipin mo kapag may pamilya ka, yung pamilya mo. Kailangan talaga na kung mag educate ng anak, pinaka importante yun, kasi hindi naman habambuhay kasama ka nila. Sipag at tiyaga lang at hindi dapat makalimot kay Lord.


Dordina O. Maglinte

President, Binuangan, Farmers & Fisherfolks Association

Yung grupo namin nakatanggap ng mga programa sa SRMI, lalong lalo na ang mga kababaihan. Tinuruan sila ng paggupit ng buhok, manicure at paggawa ng bag. Nakatanggap din kami ng mga baboy, baka at mga pumpboat.

Ngayong nandito na ang SRMI, may malaking pagbabago. Sa tulong nila, ang mga kababaihan ay may pagkukunan na.


Pedro Ata

Tricycle Driver & President of Tagmamarkay Small Scale Farmers’ Association

Humingi kami ng assistance para mapalago ang aming pagpapalaki ng mga baboy. Binigyan kami ng SRMI ng panggawa ng mga pigpen kaya kada linggo may kakatayin na kaming baboy na aming nilalako sa aming barangay at sa mga karatig bayan.

Dati ang aming mga miyembro ay di marunong mag-process ng karne, kung may sobra at hindi naibenta, paghahatian nalang namin, hindi na namin mapagkakakitaan. Tinulungan din kami ng SRMI na makalapit sa DTI at binigyan kami ng mga gamit para sa meat processing. Ngayon ay gumagawa na kami ng longganisa at tocino.

Malaki ang naitutulong ng kumpanya sa amin. Nakapagbigay sila ng sapat na hanapbuhay.


Charity Dabalos

Livelihood Beneficiary

Dati nasa bahay lang ako pero ngayon ay nangangasiwa na sa Garments Production.

Ngayon ang aming mga gamit pantahi ay ginagamit na rin namin para makagawa ng safety vests na binibili ng SRMI. Nagtatahi din kami ng mga uniform sa mga scholars nila kaya halos lahat ng aming mga produkto ang SRMI ang bumibili.

Malaki talaga ang naitulong ng dahil napagaaral ko ang aking anak sa high school.


Elmer P. Jerita

Captain Barangay, La Fraternidad, Tubay

Dati akong anti-mining pero nang makita ko ang kabutihan ng SRMI dahil ako mismo ay nakapasok at nakapagtrabaho doon, nagbago na ang aking pananaw.

Tatlo kaming magkakapatid na dating nasa abroad at malayo sa pamilya. Nung dumating ang SRMI, umuwi nalang kami at nagkatrabaho pa dito.

‘Gaya dati, talagang naghihirap ang mga tao, hindi halos sila makabili ng bigas. Mahirap pa sa walang-wala kasi kung ano makuha namin sa dagat, yun lang ang pagkasyahin namin. Pagkatapos ng isang kainan, maghanap nanaman. Noong mga bata pa kami, mapilitan kaming magtrabaho sa dagat. Pero ngayon kaya na naming bilhin ang mga gusto namin. Salamat sa pagdating ng SRMI.


Giovani Pioco

Barangay Captain, Sta. Ana, Tubay

Dati ang mga tao sa aming barangay, nag-iigib lang ng tubig sa mga ilog at sa iba’t ibang deep well kaya ang mga kabataan ma-late sa pagpunta sa paaralan. Ang SRMI, through SDMP, 2.3million ang ibinigay sa barangay namin para sa patubig. Ginawang level 3 na ang patubig. Ang advantage ay nasa bahay na ang tubig. Ang mga tao at mga anak nila ay hindi na ma-late sa pagpasok.


Jose Dante Mori Dullete

Resident Pastor sa Tagmamarkay Christian Assembly

Dati, itong church na hinahawakan ko ay butas-butas yung bubong. May time na nagsimba kami, umuulan at yong mga miyembro ay gumagamit ng payong sa loob ng simbahan. Pero ngayon, salamat sa Diyos at nakita ng SRMI, binigyan kami ng assistance. Binigyan kami ng bubong at pati na ng mga musical instruments. Nakita ko na nag improve yung church at ang ating mga young people, mas dumami na ngayon ang masiglang mag-aral ng paggigitara at drums. Ang magandang relasyon namin sa iba’t ibang religious groups ay na-establish din sa tulong ng SRMI.


Regine Amatus

SRMI college scholar

Dati nahihirapan ako kung makapag-aral ba ako ng kolehiyo. Nagpapasalamat ako dahil ang SRMI ay tumutulong sa aking pag aaral. Kung wala siguro ang SRMI, hindi ako makapag-aral dahil nahihirapan ang aking ama sa gastusin dahil si Papa na lang ang nagsusuporta sa akin.

Ngayon na nandito na ang SRMI, gumaan ang aking pag aaral dahil tinulungan nila ako. Nagbibigay sila pati na ng mga allowances every month at pangtuition. Wala na kaming poblema.

Dahil sa tulong nila, siguro magiging ganap na akong forester balang araw.


Marites Cabalan

Housing project beneficiary

Masaya kami na makatanggap ng housing project ng kumpanya at marami pa ang naghihintay na makatanggap din ng ganitong benepisyo mula sa SRMI. Nagpapasalamat kami, ang buo kong pamilya, dahil sa tulong nila.


Rosalina Guzo

Barangay Captain, Binuangan, Tubay

Noong wala pa yung minahan, siguro mga 10 years old pa ako, pangingisda lang ang hanapbuhay. Yung mga anak nila nahirapan mapagaral ng highschool. Seasonal kasi ang pangingisda.

Ako nagworking student ako kaya lang nakatapos ako ng highschool at kolehiyo. Yung iba talagang hirap makapagaral. Ngayong nandito na ang SR, makikita mo ang kaibahan. Lahat makapagaral na ng highschool at marami na ang nasa college dahil nagtratrabaho na ang parents nila sa minahan tapos mayroon pang scholarship.

Sa Binuangan, may SDMP funds kami, may mga classroom na naipatayo dalawang units per school. Nagbigay din sila ng school facilities. Kumpleto. May computer laboratory pa.

Annual medical and dental mission, kasama rin sa SDMP yung mga kelangang magpaopera ay natulungan na rin financially.

Sa akin, part ako ng monitoring team, alam ko na walang violation. Yung barangay namin, kung isda ang paguusapan, maraming isda.

Maliban dyan, noong may buhawi na tumama sa amin, yung SRMI talaga ang nag-rescue sa amin, pinadala lahat ng equipment kaya inayos sa loob ng 4 days yung aming seashore. Mas mabilis. Sa gobyerno yan, mahaba ang proseso.

Kung mawawala ang kumpanya dito, saan pupunta ang mga tao? Kailangan namin ang hanapbuhay. Marami pang bata ang nag aaral na sana mapatapos nila. Bilang isang leader, wala kaming ibang gusto kundi mapabuti ang buhay ng aming constituents.


Datu Elijan

IP representative, Tribo Mamanwa

Nabibigay ng SRMI ang uno porsyento ng aming IP royalty share. Wala kaming reklamo. Hindi man nasisira ang environment. Responsible itong mining.

Mas mabuti nga na may mina dito para makuha yung minerals, kasi hindi tutubo yung tanim dyan kung may nickel sa lupa. Ngayon tutubo na yung mga kahoy, mga saging.

Napag-aral ko yung mga anak ko na maestra at dalawang nurse ko nakatapos at nakapagboard na sa Cagayan. Kung wala ang SR dito, hindi ko kaya magpaaral kasi malaki ang babayaran ko buwan-buwan, may boarding house pa. Malaking tulong yung mina kaya yung mga tao, dito ayaw ipaalis ang mina.

Kung halimbawa mayroon silang hindi sinusunod sa requirements, kami mismo ang magpa-stop dyan sa mining dahil sa amin naman yang kabundukan.


Arnie Fabia

Resident Pastor Jesus is Lord Fellowship

Sumusuporta kami sa SRMI kasi nakikita namin yung pagiging responsible nila. Makikita nyo pati karagatan namin kasi wala namang discoloration. Nakikita rin namin dito yung preservation nila sa mga kahoy.

Noon wala kang makikitang malalaking kahoy. Dati may tutubo pero mamamatay din. Ngayon, marami na. Mayroon din silang ginagawang mga air and water testing.

Naging kasagutan din ang SRMI sa aming dasal. More than 70% ang nabigyan ng hanapbuhay. Wala ng krimen gaya ng nakawan ng niyog. Ngayon wala ka ng mabalitaan na nakaw dahil may hanapbuhay na.

Dati may mga kabataan na umabot na ng 22 years old na hindi pa makapagaral, ngayon nabigyan na lahat ng pagkakataon.

Nakikita namin na maraming natutulungan ang kumpanyang ito. Ito ay sagot sa aming panalangin kasi wala kaming mapupuntahan na hanapbuhay talaga. Maraming tao, trabaho at pamilya na natutulungan. Paano naman po kung mawawala ang kumpanyang ito?


Arvin Lagulao

Mining engineer, SRMI scholar

Sa tulong ng SRMI, ako po ay nakapag-aral ng kolehiyo bilang isang mining engineer. Ako po ay nakatapos at sa awa ng Diyos, ako po ay nakapasa sa board exam. Ako po ay nagpapasalamat sa pribelehiyo na ibinigay ng SRMI, sa kanilang tulong sa amin, lalo na sa akin. Kung hindi dahil sa kanila siguro isa lang akong tambay dyan sa kalye, walang pinag-aralan, walang patutunguan sa buhay. Dahil sa kanila, ako ay nagkaroon ng pangarap sa buhay.

Lahat sinagot ng kumpanya – books, dorm, transportation. Mayroon kaming allowance. Nung una, libre na pati pagkain. Lahat ng scholar, may apartment, may pabahay. Hindi na sila ang nagluluto dahil may caretaker pa talaga.

Sana po hindi lang dito nagtatapos ang pagtulong nila dahil marami pang kabataan ang gustong makapag-aral dito sa amin. Sana matulungan din nila dito yung mga kabataan na nawawalan na ng pag-asa.


Kenneth Prado

Mining engineer, SRMI scholar

Isa po ako sa mga naka-avail ng mga benepisyo ng SRMI, sa tulong ng SDMP. Isa ako sa naging scholar nila. Ngayon natapos ko ang kurso kong mining engineering at naipasa ko ang board exam.

Kung hindi ako naging scholar ng SRMI, kung wala itong proyekto nila na dumating sa amin, hindi ko maiisip kung makakatapos ba ako sa pag-aaral. Ilang taon din akong natambay matapos ko mag-high school. Tapos dumating ang SRMI kaya malaki ang pasasalamat ko na isa ako sa naging beneficiary ng scholarship nila.

Ako ay anak ng tricycle driver, simple lang ang buhay namin na halos hindi na maabot ang mga pangarap namin sa aming pamilya. Noong natapos ko ang high school, sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na kaya mag-college kasi hindi kaya ng magulang ko. Kung ano lang ang trabaho noon na dumating, pinapasukan ko dahil sa kagustuhan naming makatulong sa pamilya.

Yung opportunity dito, noon, hirap talaga. Ngayon marami ng opportunity nang hindi mo na kailangang pumunta ng Maynila at malayo sa mga mahal mo sa buhay.

Ngayon, malaki na ang pagkakataon na makabawi ako sa aking pamilya.


Analyn Garcia

Female Volvo operator

Akala ko pag nag-asawa ka, hindi ka na makapagtrabaho. Pero ngayon, proud talaga ako dahil sa mga program ng SRMI na binibigay sa aming mga tiga-rito. Sa hirap ng buhay, kayod talaga. SRMI ang nagturo sa akin maging truck operator. Maraming skills ang naibigay sa amin ng company.


Alfredo Aguilar Jr.

Fisherman, Binuangan, Tubay

Sa aking karanasan sa pangingisda, malaki ang pasasalamat ko sa SRMI. Bumaba ang gastos ko dahil mayroon ng mga ilaw ang mga barge at barko. Mas marami na ang isda dahil sa mga mga maliwanag na ilaw na iyan. Mas ligtas pa kami ngayon sa panganib dahil mas malapit na naming nakukuha ang mga isda kaysa sa dati.


Aquiles Bermejo

Farmer, La Fraternidad, Tubay

Sa una, noong 1986, noong dumating ako dito, yung gulay ko sa Cabadbaran (ang bentahan). Noong nagsimulang mag-operate ang SRMI dito, dito na ako nagbebenta ng gulay ko. Nakukuha ko na yung retail price.

Kung sa akin, maganda yung buhay ko ngayon kasi yung volume market ng Cabadbaran (kabilang bayan), nakukuha ko dito sa loob. Malaking bagay ito para sa akin.


Israel Manlicmot

Loading supervisor, SRMI

Nagsimula ako sa SRMI noong 2006 bilang spotter. Nakita ng kumpanya ang potensyal sa akin sa trabaho. Sa sipag at tyaga, naangat ako sa loading supervisor. Ngayon ang nangyari medyo umangat ng konti ang buhay namin.

Pag sa ibang kumpanya, hindi ako matanggap kasi wala akong natapos. Nagbigay ng pagpapala ang Diyos, dumating ang SRMI.

Nakita namin na kung wala ang SRMI mahirap pa rin kami dito. Kasi noon ang trabaho namin, kumuha ng kahoy sa bundok. Ngayon kami na ang tiga-bili. Nakapagtrabaho na kami sa SRMI.


James Dicalit

Mining engineering graduate, SRMI scholar

Ang pagiging scholar sa SRMI-SDMP ay hindi naman nila pinipili ang magiging scholar nila, may proseso. Mag-exam ka, kung pumasa ka, swerte mo.

Higit 80 kami noon na nag-exam pag-graduate ng highschool. Kung nakapasa yun lahat, kung sinwerte lahat, scholar kaming lahat. Swerte kasi ano pang hahanapin mo – libre lahat. Tution, dorm, transportation, allowance kada buwan. Wala ng gastos yung magulang mo.

Napakaswerte ko kasi yung tatay ko umeextra lang na tricycle driver. Hindi pa rin kaya kung kami-kami lang magpapaaral sa akin sa kolehiyo kaya nagpapasalamat ako sa programa ng SRMI na mayroon silang ganito na tinutulungan yung mga host barangays nila, yung mga kabataan na gustong mag-aral.

Sa mga kasamahan namin na nag-aaral pa, tiyaga lang nang tiyaga mag-aral at wag kalimutan mag-dasal kasi yan lang ang puhunan natin eh. Wag nyo rin kalimutang magpasalamat sa SRMI kasi sila ang tumulong para mapaganda ang buhay natin.


Jeff Dawson

Australian mine and safety expert

One of the best things for me in being involved with SRMI is the opportunity they've given me to work closer with Filipinos.

When we bring in trainees here with zero skills and turn them into quality operators, they can work anywhere in the world further enhancing the reputation of Filipino workers around the world. These guys here are what make this project so special and I'm so very fortunate to be part of this and to share this journey that we are undertaking to improve what we do with the mining industry here. We employ state-of-the-art equipment--Volvos from Sweden, Caterpillar equipment from America; and, the training associated with these equipment means that our work force is skilled for any part of this operation or any project they wish to undertake in the future.

By working together, we're promoting sustainable mining; we're incorporating Australian and world's best practice mining operations to this part of the world and it's something that I'm immensely proud of. The fact that management is spending so much effort, putting so much effort into what we're doing to make us world class standard.