Testimonials

Rosalina Guzo

Barangay Captain, Binuangan, Tubay

Noong wala pa yung minahan, siguro mga 10 years old pa ako, pangingisda lang ang hanapbuhay. Yung mga anak nila nahirapan mapagaral ng highschool. Seasonal kasi ang pangingisda.

Ako nagworking student ako kaya lang nakatapos ako ng highschool at kolehiyo. Yung iba talagang hirap makapagaral. Ngayong nandito na ang SR, makikita mo ang kaibahan. Lahat makapagaral na ng highschool at marami na ang nasa college dahil nagtratrabaho na ang parents nila sa minahan tapos mayroon pang scholarship.

Sa Binuangan, may SDMP funds kami, may mga classroom na naipatayo dalawang units per school. Nagbigay din sila ng school facilities. Kumpleto. May computer laboratory pa.

Annual medical and dental mission, kasama rin sa SDMP yung mga kelangang magpaopera ay natulungan na rin financially.

Sa akin, part ako ng monitoring team, alam ko na walang violation. Yung barangay namin, kung isda ang paguusapan, maraming isda.

Maliban dyan, noong may buhawi na tumama sa amin, yung SRMI talaga ang nag-rescue sa amin, pinadala lahat ng equipment kaya inayos sa loob ng 4 days yung aming seashore. Mas mabilis. Sa gobyerno yan, mahaba ang proseso.

Kung mawawala ang kumpanya dito, saan pupunta ang mga tao? Kailangan namin ang hanapbuhay. Marami pang bata ang nag aaral na sana mapatapos nila. Bilang isang leader, wala kaming ibang gusto kundi mapabuti ang buhay ng aming constituents.